Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Lindol



Nagaganap ang lindol nang may maliit na babala. Suriin nang mabuti ang iyong tahanan ngayon upang matukoy ang potensyal na pinsala at maiwasan ang panganib na maaaring mangamba sa iyong buhay at sa buhay ng ibang minamahal sa panahon ng lindol.

□ Ilipat ang mga mabibigat na bagay at malalaking mga dekorasyon sa palapag at mababang istante.

□ Siguraduhin na ang mga malalaking muwebles, ref at mga elektronikong mga walls studs ay may panali.

□ Maglagay ng mga kunsi at ibang mga kagamitan sa pagsara sa mga istante at pintuan ng mga cabinet.

TUWING MAY LINDOL: Umaksyon! Manatiling Ligtas!

▶ Dumapa nang patag ng kamay at paa sa lupa, magtago sa ilalim ng matibay na mesa. Takpan ang iyong ulo at leeg gamit ang iyong kamay, at humawak hanggang tumigil ang pagyanig. Kung walang mesa, humawak sa mga dingding malayo sa bintana at protektahan ang iyong ulo at leeg gamit ang iyong kamay.

▶ Kung ikaw ay nasa labas, subukan na umalis sa isang lugar palayo sa gusali, mga dingding, salamin, puno, linya ng kuryente, sinyales, mga sasakyan o anumang mga potensyal na panganib. Dumapa. Tumakip, at humawak upang protektahan ang iyong sarili mula sa mga kalat.

▶ Kung ikaw ay magmaneho, itabi ang sasakyan sa daanan, tumigil, ilagay sa parking brake

at maghintay sa loob hanggang tumigil ng pagyanig. Huwag tumigil sa ilalim overpasses, malapit sa linya ng kuryente, puno, o anumang malaking gusali na maaaring mahulog sa iyo.

▶ Kung ikaw ay nasa kama,manatili doon, tumingin sa baba upang protektahan ang mahalagang mga bahagi ng katawan. Humawak at takpan ang ulo at leeg gamit ang iyong kamay o isang unan malapit sa iyong ulo at antayin hanggang tumigil ang pagyanig.

▶ Kung ikaw ay nasa wheelchair, isarado ang gulong, takpan ang iyong ulo at leeg gamit ang iyong kamay, isang libro, o unan at humawak hanggang tumigil ang pagyanig.

▶ Kung ikaw ay nasa baybayin, antayin hanggang tumigil ang pagyanig at dahan-dahang pumunta sa kalupaan at pumunta agad sa mataas na lugar. Ang lindol ay nagdudulot ng lokal na tsunami na maaring makarating ng ilang minuto. Alamin ang rota ng paglisan pag may tsunami nang maaga at sundin ang mga tagubilin ng sinyales ng paglisan. Maglakad upang maiwasan ang trapik. Huwag mamasyal at lumayo mula sa baybaying-dagat.

▶ Maghanda sa mga aftershocks. Ito ay maaaring mangyari nang ilang minuto sa ilang buwan pagkatapos ng unang lindol at maaaring magdulot ng karagdagang pinsala sa mga gusali, daanan at mga serbisyo.

▶ I-tsek ang iyong mga kapit-bahay.hing muwebles.

Sanggunian: https://www.readysandiego.org/content/dam/oesready/en/make-a-plan/OES_Personal_Disaster_Plan_TAGALOG.pdf

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Gumawa ng Isang Emergency Supply Kit