Mga Dapat Gawin bago ang anumang Sakuna
MAGTALA NG MGA KONTAK NA PANG-EMERHENSIYA
Kasama sa pagpaplano ang pagkabisa o paghahanda ng mga kontak sa tuwing may emerhensiya. Sila ang mga maaaring tawagan o i-text sa panahon at pagkatapos ng isang sakuna. Ang mga sumusunod ay ang mga kontak na nararapat kabisaduhin o alalahanin sa panahon ng kalamidad o sakuna:
1. Pamilya
2. Pinakamalapit na kapitbahay
3. Fire Station
4. Police Station
5. Hotline ng Lokal na Pamahalaan
6. Rescue Hotlines
MAGHANDA NG PLANO MULA SA INYONG TAHANAN
Gumuhit ng floorplan ng iyong tahanan sa ibaba. Tukuyin nang malinaw ang lokasyon ng lahat ng pangunahing eksit, kasama ang mga pintunan at mga bintana sa bawat silid. Markahan
ang lokasyon ng sarahan ng iyong utilidad sa tahanan, ang iyong fire extinguisher, mga emergency supply kit, at first aid kit. Pag-aralan ng lahat ng mga tao sa tahanan ang planong ito at maging pamilyar dito.
▶ Magsagawa ng hakbang na plano upang lumisan sa iyong tahanan tuwing emerhensiya, tulad ng sunog.Sanayin ang planong ito dalawang beses sa isang taon.
▶ Siguraduhin na maaaring tanggalin ang lahat ng kandado at buksan ang mga pintuan at bintana. Kung kayo ay may mga safety bars sa iyong mga bintana, siguraduhin na madali itong tanggalin sa panahon ng emerhensiya.
▶ Kung kayo ay naninirahan sa isang tahanan na may ilang mga palapag o isang apartment na gusali, tukuyin ang isang ligtas na daan upang makarating sa patag nang maaga. Magsagawa ng espesyal na kaayusan para sa maliliit na mga bata, o sinuman sa iyong sambahayan na may limitadong paggalaw, may kapansanan o ibang access at mga pangangailangan.▶ Tandaan kung saan ang lokasyon nito sa iyong tahanan::
Balbula ng Gas *:
Balbula ng Tubig:
Circuit Breaker:
Override Manwal ng Pintuan ng Garahe:
Mga Kagamitan na kailangan sa pagsara sa mga utilidad:
*Kung ikaw ay nakakaamoy ng gas, nakakarinig o hinihinalaang may tagas, isara ang pangunahing balbula ng gas kaagad gamit ang liyabe, buksan ang bintana, at iwan ang lugar kaagad. Huwag buksan ang mga ilaw o mga appliances, magsindi ng kandila o magliyab ng posporo. Huwag isara ang gas maliban na lamang kung may hinalang may tagas. Ang kompanya ng gas lamang ang maaaring magbalik ng serbisyo.
□ Maglagay ng mga detektor ng usok at carbon monoxide sa bawat baytang ng iyong tahanan at siguraduhin na gumagana ito nang tama. Suriin ang mga ito bawat buwan at palitan ang mga baterya kung kinakailangan. Palitan ang mga ito bawat 10 taon. Kung ikaw ay bingi, maglagay ng yumayanig na mga alarma at biswal na mga detektor ng usok.
□ Tukuyin ang dalawang lugar kung saan ikaw at ang iyong mga miyembro ng iyong sambahayan ay magkikita kung kayo ay nagkahiwalay tuwing kalamidad. Isang direkta sa labas ng tahanan (tulad ng mailbox ng iyong kapit-bahay) at isang lokasyon sa labas ng iyong kabahayanan (tulad ng parke sa komunidad o pamilyar na paradahan).
□ Tukuyin ang dalawang daan palabas sa iyong kabahayanan . Tuwing emerhensiya, ang mga daanan ay maaaring sarado o sira.
□ Kung ikaw ay may mga batang nasa paaralan o pumapasok sa kolehiyo, alamin ang patakaran sa emerhensiya ng paaralan at tukuyin kung sino ang susundo sa iyong mga anak kung hindi ka pwede- at paano- tuwing kalamidad. Siguraduhin na alam ng paaralan ang iyong kasalukuyang kontak na impormasyon at mga taong awtorisadong magsundo sa iyong anak.
□ Magsanay. Matuto ng mga kasanayan na nakakasalba sa buhay tulad ng first aid at CPR (cardiopulmonary resuscitation).
Source:https://www.readysandiego.org/content/dam/oesready/en/make-a-plan/OES_Personal_Disaster_Plan_TAGALOG.pdf
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento