PAGBAHA AT BAGYO: Mga Dapat Gawin
PAUNA: Maghanda
▶ Alamin ang panganib sa pagbaha. Kung ikaw ay nasa lugar na madalas ang pagbaha, o isang patag na bahain, isaalang-alang ang pagbili at muling baguhin ang insurance sa baha.
▶ Subaybayin ang iyong TV, radyo, at celfon para sa mga flood watches o babala tuwing malubha ang panahon.
▶ Kung inutusan, patayin ang tubig at elektrisidad at tanggalin ang saksakan ng mga muwebles.
TUWING BAHA: Manatiling Ligtas
▶ Lumisan kaagad kung sinabihan ka ng isang pambulikong opisyal na isagawa ito.
▶ Huwag maglakad, lumangoy o tumalon sa tubig baha.
▶ Huwag mag-drive sa paligid ng mga harang.
▶ Lumayo sa mga tulay sa taas ng mga mabilis na umaagos na tubig.
▶ Iwasan ang mga linya nag kuryente. Huwag hawakan ang mga kagamitang elektrikal kung ito ay basa o kung ikaw ay tumatayo sa tubig. Kung ligtas na gawin ito, patayin ang elektrisidad upang maiwasan ang makuryente.
▶ Kung ikaw ay nakulong sa isang gusali, pumunta sa mataas na papag. Huwag umakyat sa isang saradong attic. Ikaw ay maaaring makulong sa tumataas na tubig-baha. Pumunta sa bubong kung kinakalngan kinakailangan lamang, at sumenyal ng tulong .
Sanggunian: OES_Personal_Disaster_Plan_TAGALOG.pdf
Mga Dapat Gawin Habang may Bagyo
•Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay;
•Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa.
•Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila, posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit.
•Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang lugar. Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan.
• Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo.
•Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at nakasusi ang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency.
Sanggunian: https://www.facebook.com/STIHUManista1718/posts/mga-dapat-gawin-habang-may-bagyougaliing-makinig-sa-radyo-o-manood-ng-tv-para-sa/149518175602426/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento